Takot
May kinakatakutan ka ba?Ako, marami.
Isa sa mga pinakakinakatakutan ko ay yung masaktan. Hindi ko kasi alam kung anong gagawin o paano ba paalisin ang sakit na nadarama sa tuwing nasasaktan ako. Malabo ba?
Itong mga nakaraang araw, nahihirapan ako matulog… actually, takot ako matulog. Kahit inaantok na ako, parang ayokong ipikit ang aking mga mata dahil sigurado akong makikita kita.
Makikita kita, hindi kita mapaalis. Maalala ko ang lahat, hindi ko 'yun makalimutan. Masasaktan lang ako at hindi ko alam kung paano 'to paalisin.
Paano nga ba?
Tulad ng lagnat, sipon, ubo atbp., meron bang gamot para sa pusong sugatan?
![]() |
℅ Mariel Martinez |
Sya ang lagi kong nakikita sa tuwing ipipikit ko ang aking mga mata, boses nya ang lagi kong naririnig kapag tahimik ang paligid. Masasabi ko bang iniiiwasan ko sya? Gusto ko ba syang iwasan?
Ewan ko, bakit ba ang hirap masaktan. Hindi ba't masmasakit at masmapait kapag alam mong masasaktan ka kumpara sa andyan na 'yung sugat, hindi s'ya gaano kasakit.
Ilang oras na ba ang nakalipas, hindi parin ako makatulog sa takot na muli akong masasktan pag nakita kita.
0 comments: