Ang Ulan
Bow.Nakaupo ako sa labas, ginulat nya ako. Parang galit ang bawat patak.
Pumikit ako sandali, pinapakiramdaman ang hangin at tubig.
Basang basa ang paligid.
Ayaw nyang tumigil. Lalong nagagalit, hindi raw ako nakikinig.
Sa bawat patak, bawat ihip ng hangin, paano mo nga naman maiiwasan.
Naririnig mo ba ang sarili mo pag umuulan?
Hindi mapigilan ang mga emosyon, ang mga alaala at pagsisisi.
Paano mo sasabihin sa kanyang, time out muna, pwede?
Hindi marunong makinig ang ulan.
Buhos ng buhos, galit na galit.
Paano mo ipapaalam sa kanya ang nilalaman ng iyong puso't isipan.
Paano mo mapapakinggan ang iyong sarili.
Saan ka huhugot ng lakas para muling tumayo?
Paano mo kalalabanin ang ulan - abot nya ang bawat sulok ng iyong katawan at isipan.
Sabi nila, maganda ang ulan.
Bakit ganun? Bakit puro kalungkutan ang galit ang dala nya?
Sumasaya ba ang ulan?
0 comments: