Gusto ko sanag makita ka, kanina pa ako atat sayo.
Hindi ko alam kung bakit o kung paano pero hanggang ngayon, hindi ko parin mabura bura ang mukha mo sa utak ko. Mas lalo na sa puso ko. Ang labo diba?Alam ko, ako yung nagsabing ayoko na pero matapos nun.. bigla akong nawindang at napaisip. Tama ba desisyon ko? Kaya ko ba na wala ka sa tabi ko?
Noong minsa'y tumawag ka, nangangamusta. Nagtaka ako, bakit kaya. Hindi na nasundan ang tawag mo at naiwan akong nagtataka kung bakit o kung kamusta ka na.
Naalala mo pa ba noong nagkasundo tayo na magiging magkaibigan parin tayo? Tinanong ko sayo kung bakit hindi yun nangyayari at sabi mo na nasaktan kita, nahihirapan ka.
Sorry. Sorry talaga.
Para akong tanga ngayon. Alam kong isa akong ilusyonadang naghahabol ng pangarap ng marami pero gusto ko lang malaman kung tatanggapin mo pa ako.
Lagi kong sinasabihan mga kaibigan ko na pag nakilala ko yung lalaking magbibigay sa akin ng lahat ng rason sa mundo para itigil at ituwid ang mga dapat, gagawin ko para sa kanya. Baka kailangan kitang makilala muli?
Bakit ba ako nagkakaganito.
0 comments: