おかえり
Ito ang pangalawang kabanata ng seryeng naumpisan ko, noon pa.Muli kong babalikan sina 1 at 2 sa kanilang relasyon. Hindi alam ni 1 kung bakit nyang gustong tanungin si 2 noon kung naging masaya ba ito sa piling nya. Hindi nya alam kung bakit nya ito naisip pero hanggang ngayon, hindi parin nya ito natatanong kay 2.
Sa isang hindi mapaliwanag na pangyayari, pumunta si 2 sa isang malayong lugar.
1, bakit hindi mo ako samahan? Doon, masaya tayong dalawa, hindi tayo mahihirapan.
"Hihintayin nalang kita dito, 2. Pinapangako mo bang babalik ka?"
Oo naman 1, mahal na mahal kita. Babalikan kita dito. Paalam
"Magingat ka, 2! Dito lang ako, naghihintay"
Nilisan ni 2 ang piling ni 1 at dalawang taon na ang nakalipas, hindi parin bumabalik si 2. Sa loob ng dalawang taon, nagsulatan ang magkasintahan, para kay 1, isa itong paalala na mahal nya si 2 at mahal din sya nito. Dalawang taon ng pagsusulat ngunit di nila nasilayan ang isa't isa.
Kung dati'y kinekwestyon na ni 1 ang nararamdaman nya apra kay 2, lalo itong lumalala nang mawala si 2 sa piling nya. Araw araw tinatanong nya ang sarili kung talaga bang maghihintay sya para bumalik si 2 sa kanya. Gaano ba sya kasigurado na babalikan sya ni 2 na hindi man lang nagbabago ang pagmamahal nito para sa kanya?
Sulat, mga sulat. Gaano ba katindi ang katotoohanan sa loob ng mga liham ni pinadala ni 2? Paano nga ba masasabi ni 1 na lahat ni sinulat ni 2 ay totoo at walang sinuman ang makakapagsabi na mali si 1. Mali na paniwalaan nya ang lahat ng liham ni 2. Mali na umaasa syang babalikan sya ni 2. Mali ang desisyon nyang maghintay, dapat sumama sya.
Matagal bago nasundan ang huling sulat ni 1 kay 2. Naghintay sya ng ilang linggo, ilang buwan, halos isang taon. Inisip nya na baka natraffic lang ang kanyang sulat para kay 2.
Sa wakas, dumating na rin ang sulat ni 2 para kay 1. Nang binasa nya ito, parang kahapon nya lang natangap ang sulat at parang hindi sya naghintay ng matagal. Naghintay si 1 bago nya sinumulan ang sulat para kay 2.
0 comments: