おかえり
おかえり [o-ka-e-ri] welcome homeAng sarap pakinggan diba? Ito ang mga salitang matagal na nyang gustong marinig pero niminsa'y binaggit. Napangako ng marmaing beses pero ang bawat isa nito'y matagumpay na nabigo ng tadhana. Ito si 1, isang babae na mahilig umasa. Napapalibutan sya ng mga pusong nagmamahalan. Sa mundong ito, ang bawat nilalang ay kalahating puso lang, malalaman mo na in love ang isang nilalang kapag nabuo ang puso. Bawat lingon ni 1, puro puso. Punyeta, naisip nya. Bakit kasi wala, buti pa sila. O sige, kayo na, kayong kayo na. Kayo na ang mga puso. Oo, bitter sya kasi kalahati lang sya.
Natagalan bago nahanap ni 1 ang kanyang kapareha, literal na kapareha. Di nagtagal, naging puso ang dalawa. Masayang masaya si 1 na nahanap nya ang bubuo sa kanya, si 2. Si 2 ay isang kalahating puso na medyo mahirap mahagilap at madalas, kailangang intindihin. Okay lang, at least buo na ako. Puso na kami, yun ang importante. 'yan ang itinatak ni 1 sa kanyang isipan. Sige lang ng sige, go lang.
Hindi naman kawawa si 1 tulad ng iniisip nyo, normal ang pagsasama nila ni 2. Magkasama, buo at masaya pero totoo nga bang masaya sila? Sa tagal na nilang magkasama, kumportable na sila sa isa't isa. Wala nang kailangan magsalita, naiintindihan na nila. Hindi na kailangan pang ipagsigawan sa mundo dahil alam na nila, mahal nila ang isa't isa. Yun naman yung importante diba? Pagmamahal. Ano nga ba ang pagmamahal?
Isang araw, habang nakasandal si 1 kay 2:
2? 2? 2.
"bakit?"
Natahimik si 1, hindi nya alam kung pano sasabihing masaya ka ba sa akin? hindi nya alam kung paano magsasalita ng hindi nakakasakit ng tao - si 2 man o kanyang sarili. Natahimik sya kakaisip, nakalimutan na nya na tinawag nya ang atensyon ni 2.
"1, bakit?"
sabay yakap ng mahigpit. natunaw ang puso ni 1 sa yakap ni 2, matagal na nyang hinahanap hanap ang pakiramdam na ito.
mahal kita 2.
Kailangan ba nya talaga sabihin 'yun? Importante ba na masabi nya kay 2 ang kanyang nararamdaman? Hindi alam ni 1 kung tama ba na nanahimik sya, hindi nya rin alam kung bakit hindi nya masabi ng diretso.
Wala rin, nasaktan lang sya. Ganito ba ang pagmamahal, lagi kang nasasaktan? tanong ni 1 sa sarili, hindi nya maintindihan, hindi nya mahagilap nag sagot.
Ayaw nyang harapin ang katotohanan.
0 comments: