Showing posts with label None. Show all posts

Paasa


Ayoko nang maniwala at umasa sa mg pinagsasasabi ng mga tao.

Oo, alam kong gusto nyong maktulong pero... Alam mo ba ang hirap na nadarama ko para masabi yan?

Wag ka nang mageffort pang magbigay ng payo kasi di naman magagamit. Pinapaasa mo lang ako sa isang panaginip.

Pagod nanaman


Nakakapagod. Sobrang nakakapgod lang. Minsan, gusto ko lang umupo sa gitna ng lahat t umiyak pero ano nga ba ang magandang nadudulot nito at paano nito nasusulusyonan ang pagkapagod natin?

Hindi ko na alam walang wala nanaman ako. Naaalala ko dati, ang dami kong duda. Ginawa ko ang lahat para mawala ng duda sa sarili pero bakit tila bumabalik ito at lumalakas? Hindi pa b sapat ang mga nagawa dati? Anong problema ng sarili ko?

Hindi ko na alam. Sobrang pagod lang ako't gusto ko na matapos ang lahat.

Pagod


Marami ang klase ng pagod na nadarama natin. Iba rin ang epekto ng mga ito.

Sa lahat ng pagod na naramdaman ko, pinakaayoko yung pagod na pagod ka na tapos pakiramdam mo iniwan ka sa ere at wala kang matawagan o makausal. Hindi mo alam kung saan ka kakapit.

Nakakapagod lang.