Malungkot ang simula ng pangalong kabanata ng kwento nila 1 at 2.
Sinimulang ni 1 ang sulat nya para kay 2.
..mahal kita 2 pero pakiramdam ko na kailangan nating maghiwalay ng saglit para mahanap ang mga sarili natin. Kung tayo talaga, magkakatagpo tayo muli at sa sandaling iyon, pangako kong 'di na kita iiwan magpakailan man.
Iyan ang ninais ni 1 na ilagay sa sulat para kay 2 ngulit sa halip na iyong ang isulat ng kanyang mga kamay na nanginginig dahil sa lungkot at takot, ito ang kanyang nalagay.
2, pasensya na. Kailangan ko mapagisa. Sorry.
Napikon sa 1.
"Putang ina, bakit di ko kayang sabihin 'yon kay 2?! Bakit hindi ko masulat na kahit ginagawa ko ito sa aming relasyon, mahal na mahal ko parin sya?! PUNYETA." Pinagalitan ni 1 ang sarili.
Nang pinadala ni 1 ang sulat kay 2, hindi na ito sumulat muli. Wala nang balita sa 1 kay 2 ngunit bakit ganun? Hindi nya matanggal ang isipan kay 2, lagi nya itong iniisip. Lagi nyang binabaliktanawan ang mga araw na magkasama sila.
Lagi nyang naiisip si 2 sa tuwing makakakita sya ng buong puso.
Kalahati nalang 1 ulit at hindi nya alam kung may isang kalahati na muling mamahal sa kanya at tatanggapin sya pati ang mga pagkakamali nya.
Taon taon ang lumipas bago nakalimutan ni 1 si 2 - sapilitan nya itong ginawa pero… makalipas ang maraming taon, di pa pala nya nakakalimutan si 2.
Ito ang pangalawang kabanata ng seryeng naumpisan ko, noon pa.
Muli kong babalikan sina 1 at 2 sa kanilang relasyon. Hindi alam ni 1 kung bakit nyang gustong tanungin si 2 noon kung naging masaya ba ito sa piling nya. Hindi nya alam kung bakit nya ito naisip pero hanggang ngayon, hindi parin nya ito natatanong kay 2.
Sa isang hindi mapaliwanag na pangyayari, pumunta si 2 sa isang malayong lugar.
1, bakit hindi mo ako samahan? Doon, masaya tayong dalawa, hindi tayo mahihirapan.
"Hihintayin nalang kita dito, 2. Pinapangako mo bang babalik ka?"
Oo naman 1, mahal na mahal kita. Babalikan kita dito. Paalam
"Magingat ka, 2! Dito lang ako, naghihintay"
Nilisan ni 2 ang piling ni 1 at dalawang taon na ang nakalipas, hindi parin bumabalik si 2. Sa loob ng dalawang taon, nagsulatan ang magkasintahan, para kay 1, isa itong paalala na mahal nya si 2 at mahal din sya nito. Dalawang taon ng pagsusulat ngunit di nila nasilayan ang isa't isa.
Kung dati'y kinekwestyon na ni 1 ang nararamdaman nya apra kay 2, lalo itong lumalala nang mawala si 2 sa piling nya. Araw araw tinatanong nya ang sarili kung talaga bang maghihintay sya para bumalik si 2 sa kanya. Gaano ba sya kasigurado na babalikan sya ni 2 na hindi man lang nagbabago ang pagmamahal nito para sa kanya?
Sulat, mga sulat. Gaano ba katindi ang katotoohanan sa loob ng mga liham ni pinadala ni 2? Paano nga ba masasabi ni 1 na lahat ni sinulat ni 2 ay totoo at walang sinuman ang makakapagsabi na mali si 1. Mali na paniwalaan nya ang lahat ng liham ni 2. Mali na umaasa syang babalikan sya ni 2. Mali ang desisyon nyang maghintay, dapat sumama sya.
Matagal bago nasundan ang huling sulat ni 1 kay 2. Naghintay sya ng ilang linggo, ilang buwan, halos isang taon. Inisip nya na baka natraffic lang ang kanyang sulat para kay 2.
Sa wakas, dumating na rin ang sulat ni 2 para kay 1. Nang binasa nya ito, parang kahapon nya lang natangap ang sulat at parang hindi sya naghintay ng matagal. Naghintay si 1 bago nya sinumulan ang sulat para kay 2.
おかえり [o-ka-e-ri] welcome home
Ang sarap pakinggan diba? Ito ang mga salitang matagal na nyang gustong marinig pero niminsa'y binaggit. Napangako ng marmaing beses pero ang bawat isa nito'y matagumpay na nabigo ng tadhana. Ito si 1, isang babae na mahilig umasa. Napapalibutan sya ng mga pusong nagmamahalan. Sa mundong ito, ang bawat nilalang ay kalahating puso lang, malalaman mo na in love ang isang nilalang kapag nabuo ang puso. Bawat lingon ni 1, puro puso. Punyeta, naisip nya. Bakit kasi wala, buti pa sila. O sige, kayo na, kayong kayo na. Kayo na ang mga puso. Oo, bitter sya kasi kalahati lang sya.
Natagalan bago nahanap ni 1 ang kanyang kapareha, literal na kapareha. Di nagtagal, naging puso ang dalawa. Masayang masaya si 1 na nahanap nya ang bubuo sa kanya, si 2. Si 2 ay isang kalahating puso na medyo mahirap mahagilap at madalas, kailangang intindihin. Okay lang, at least buo na ako. Puso na kami, yun ang importante. 'yan ang itinatak ni 1 sa kanyang isipan. Sige lang ng sige, go lang.
Hindi naman kawawa si 1 tulad ng iniisip nyo, normal ang pagsasama nila ni 2. Magkasama, buo at masaya pero totoo nga bang masaya sila? Sa tagal na nilang magkasama, kumportable na sila sa isa't isa. Wala nang kailangan magsalita, naiintindihan na nila. Hindi na kailangan pang ipagsigawan sa mundo dahil alam na nila, mahal nila ang isa't isa. Yun naman yung importante diba? Pagmamahal. Ano nga ba ang pagmamahal?
Isang araw, habang nakasandal si 1 kay 2:
2? 2? 2.
"bakit?"
Natahimik si 1, hindi nya alam kung pano sasabihing masaya ka ba sa akin? hindi nya alam kung paano magsasalita ng hindi nakakasakit ng tao - si 2 man o kanyang sarili. Natahimik sya kakaisip, nakalimutan na nya na tinawag nya ang atensyon ni 2.
"1, bakit?"
sabay yakap ng mahigpit. natunaw ang puso ni 1 sa yakap ni 2, matagal na nyang hinahanap hanap ang pakiramdam na ito.
mahal kita 2.
Kailangan ba nya talaga sabihin 'yun? Importante ba na masabi nya kay 2 ang kanyang nararamdaman? Hindi alam ni 1 kung tama ba na nanahimik sya, hindi nya rin alam kung bakit hindi nya masabi ng diretso.
Wala rin, nasaktan lang sya. Ganito ba ang pagmamahal, lagi kang nasasaktan? tanong ni 1 sa sarili, hindi nya maintindihan, hindi nya mahagilap nag sagot.
Ayaw nyang harapin ang katotohanan.