Ngayong Semana Santa

22:25 0 Comments


Paano mo pahihilumin ang pusong sugatan? Ang pusong hindi napagbigyan?

Aminin mo man na kasalanan mo rin kung bakit nagkandaleche-leche ang buhay mo, hindi mo mababago ang desisyon nyang iwanan ka. Hindi mo mababago ang katotohanan na kahit pinangako mo sa sarili mong hindi kayo pwede magbreak hangga't hindi ko sya nakikita, hindi sayo nakasalalay 'yun.

Paano mo paiikutin ang sitwasyon? Paano mo pasasayahin ang sarili? Sabihin man nyang makakahanap ka ng iba, paano ka na.

Anong balak mo ngayon? Nagpapasalamat ka bang Semana Santa dahil nagluluksa ka rin? Napipikon ka ba kasi nakikisabay sya sa iba pang mga problema? Nagagalit ka ba kasi hindi mo matupad ang pangako mo sa sarili?

Anong balak mo? Ako?

Balak kong mawala. Maglaho. Iwanan ang mundong nakagisnan. Mapadpad sa lugar kung saan walang nararamdaman ang lahat. Kung saan walang pakialamanan, kung saan ang kawalan ay hindi masakit.

Leche naman kasi timing mo.

Unknown

Some say he’s half man half fish, others say he’s more of a seventy/thirty split. Either way he’s a fishy bastard.

0 comments: