Minsan sa may kalayaan tayo'y nagkatagpuan...

22:08 0 Comments

Nitong mga nakaraang araw, napakaraming ginagawa ng mga tao. Ako busy, mga kaibigan ko busy, boyfriend ko busy rin. Halos laaht ng tao busy ngayon.

Minsan sa sobrang pagkaabala ng mga tao, ang pangarap na lamang nag tanging paraan ng kanilang pakawala sa mga rehas ng kaabalahan.

Nitong mga nakaraang araw, puro pangarap ng mga magulang at aking sarili ang naririnig ko. Pangarap kong makapagmaneho, magkaroon ng bagong cellphone, pangarap, pangarap. Sa isang tabi, nangangarap rin ang aking mga magulang na libutin namin ang Pilipinas bilang isang malaking pamilya.

Masarap sa tenga ang lahat ng ito pero alam ko mula sa puso ko na niisa sa mga ito ang mangyayari.

Ang sarap pakinggan pero ang hirap umasa.

Bakit pa kasi ako umaasa ngayong alam ko na hindi naman mangyayari ang ito? Matigas kasi ulo ko. Bakit pa kasi ako umaasa ngayong alam ko na masasaktan lang ako.

Unknown

Some say he’s half man half fish, others say he’s more of a seventy/thirty split. Either way he’s a fishy bastard.

0 comments: